First Blog : The Pangit Story

Maybe the stories of my life e walang kwenta sa iba at i'm happy to recalled all of them, mapamasaya, mapamalungkot, pagsubok at tagumpay.
Started on the the day I was born, December 02, 1980. It is a day kung saan napakasaya daw ng mga magulang ko lalo na ng mga lolat lolo ko. Di mapapalitan nang kahit anong yaman ang saya na dinala ng pagkakasilang ko that time.
Ngunit pagkalipas ng ilang araw napalitan ito ng lungkot at takot dahil suka at tae daw ako ng dugo. Di nila alam kung ano pang gagawin sa akin na halos lahat ng albularyo at santo e napagdalhan na sa akin.
Sa paniniwalang baka mas titibay ang pangangatawan at pananalig sa amang lumikha agad akong pinabinyagan ng aking mga magulang. Ngunit sa kabila nito mas lumubha ang aking karamdaman.
Isang araw ng aking buhay na halos wala ng pag asa..di makatulog ang aking mahal na nanay sa kababantay sa akin samantang si tatay nalilito na at di alam ang gagawin.
Image result for cabong buenavista quezonDinala na ako sa ibat ibang doctor at albularyo. Ngunit ang lahat nang ito ay di nakatulong sa aking kalagayan. Isang gabi na halos hinahabol ko an ang aking hininga dinala daw ako ng aking mga magulang sa capalonga..sa may camarines norte. Dito nangako ang aking mga magulang sa black nazarete na tuwing may 3 sa dulo ng edad ko babalik ako. Mula dito, himala akong gumaling,himala kong nalamapasan ang una at isa sa mga malaking pagsubok ng buhay ko. Makalipas ang taon lumaki akong payatot pero malusog..natatandaan ko noon meron akong kambing ang pangalan nya e si "pogi" dito lagi akong sumasakay ngunit sang araw dahil sa kakapusan ng pera my parents needed to sell it para makatulong sa mga pangangailangan ko.
I love the place kung san ako namulat ng konti. Ito ang bayan ng Cabong Buenavista quezon. Kopra ang kinakabuhay dito pero naaalala ko pa sa bawat hakbang ko napakadaming ibat ibang prutas..tulad ng saging na pula,bayabas,mais at madami pang iba. At the tip of the mountain makikita mo ang ganda ng karagatan, kahit malayo kami dito i always heared the motor of the fisher boat. Dito malalaman mo nay may galing sa guinyangan o pinaka sentro ng lugar na ito.
Lumipas ang panahon lumipat at nakipagsapalaran ang aking ama sa calamba. Nagtrabaho siya sa Plastic Group Company. Noong una ok naman hanggang sa isang araw may narining na lang kaming mga tunog makina ng helicopter, putok ng baril at maingay na sigaw ng mga tao. Makalipas ang ilang oras nabalitaan ko na lang na ang tatay ay nasa kampo crame. Di alam ng nanay kung ano ang gagawin, lahat halos tinawagan na ng nanay. Sa tulong ng dalangin ligtas at walang galos na nakabalik ang itay.
Dahil sa pangyayaring iyon napilitan ang itay na  mag abroad. Nung una ok naman, tatawagan namin ang itay sa PLDT, pero ang inay sadyang napakabait hmm may problema na pala di pa sinasabi sa amin. Ang mga padala pala ng tatay di dumiderestso sa inay. Kaya pala ang inay todo labada pa kahit na sa abroad na samantalang ang mga kasabayan nya e ok naman ang buhay.
Dahil sa pangyayari itong namulat ako na kailangan kong tulungan ang inay. Nagpitpit ako ng lata, namulot ng plastic, para ipakilo sa junkshop at nag tinda sa tolgate na ngayon ay south luzon expressway tolgate. Nakakatawa kasi halos lahat tininda ko during that time pag nahuli kami, mawawala ito na parang bula. Paglilinisin ka na ng patrol car then kukunin pa paninda mo at kinata sabay tapon sa iyo sa tabing daan,pagulong gulong ako nun sa may tabihan kasi burol. Para di mahalata ng nanay mangunguha ako ng kamote at kagkong sa tabing ilog para may makain kami. Pero sadyang mababaw ang luha ng nanay kaya sa pag dating ko at makita nya na may dala akong ganun lagi syang naiiyak.
Lumipas ang panahon at para labanan ang mga pagsubok na ito, pinatay ko ang sarili ko o sa halip di ako nagpakita sa mga kapatid ko at nanay ko na di ko kaya,pinipilit ko na maging matatag or matapang. Nakakatawa pa nun kasi as I remember kami ang  kauna unahang nag pedicab sa lugar namin. Di pa semintado ang lugar namin. Lagi kong sakay ang isang sundalo , di ko halos maigalaw or maialis sa pwesto ang pedicab. Pero sa tulong ng panginoon himala akong nakakaalis sa lugar. May time na halos tumataob ako sa putikan na daan.
Madami ring may tindahan, na siguro sa was sa akin, tuwing isasakay ko e binibigyan ako ng 50 Pesos a minsan 100 Pesos.
Nag rerenta Lang ako ng pedicab pero tinulunga kami ng among kapitbahay na sila aling Maria Mangampo. Napakabait nila sa amin at tinatanaw kong utang na loob yun.

Araw araw bago ako pumasok sa school nag pepedicab ako  at ganun din pag awas ko. Sa likuran ng pedicab ko dala ko ang mga libro ko, habang nag aantay ng pasehero nagawa ng assignment at sabay review na din.

Nang mapadmad kami sa Sariaya Quezon at nag Aral ako sa Lutucan National High School, mas natuto ako sa buhay. Sa madaling salita nakapag Tapos ako ng high school pero sa Camp Vicente Lim National High School na.

Nakapag Tapos ako na nahihiya sa mga kaklase ko Kasi toyo at sibuyas ang baon ko, sira ang sapatos, ang bag yari sa recycle karton at ang mga damit pag di maigsi e Malaki.

Di ata din ako nakapag picture ng HS Graduation Kasi Wala me pera pero sa halip meron akong picture nila sa best friend kong si Joann Bermal.

Dito ko muna tatapusin ang Unang chapter ng madrama kong buhay. Ginawa ko ang blog na ito para maging inspirasyon ng susunod na henerasyon sa akin at sa pag tanda ko, may maipapabasa ako sa mga apo ko. 

Salamat sa matiyagang pag babasa at God Bless po!